Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-11 taong anibersaryo ng pagkakaluklok ng Banal na Mukha ng Manoppello sa ating parokya, idinaos ang isang Banal na Misa bilang pasasalamat sa patuloy na pagkakaloob ng Diyos ng biyaya at pagpapala sa atin.
Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni Rev. Pd. Hernan Mendoza, na naging pagkakataon para sa buong sambayanan na muling magtipon sa panalangin, pagninilay, at pasasalamat. Sa pagdiriwang na ito, sama-sama nating ipinagkatiwala sa Panginoon ang ating mga panalangin at kahilingan, habang patuloy na pinatitibay ang ating debosyon sa Banal na Mukha ni Hesus.
Sa loob ng labing-isang taon, ang Banal na Mukha ng Manoppello ay naging mahalagang bahagi ng buhay-pananalangin ng ating parokya—isang paalala ng presensya, awa, at pagmamahal ng Diyos sa bawat isa.
Nawa’y patuloy tayong maging mga saksi ng pananampalataya at tagapagdala ng pag-ibig ni Kristo sa ating pamilya, pamayanan, at sa buong mundo.
(Litrato ni: Earl Tagalog - SFP | SOCOM)
Sa pamamagitan ng motorcade, sama-samang naglakbay ang mga mananampalataya upang magbigay-pugay at pagpaparangal sa Banal na Mukha ni Hesus, habang buong pananalig na ipinagkakatiwala sa Panginoon ang ating mga sarili, at pamilya.
Nawa’y patuloy tayong maging saksi sa pag-ibig, awa, at kapayapaang nagmumula sa mukha ni Kristo.
Banal na Mukha ni Hesus, maawa Ka sa amin.
(Litrato ni: Earl Tagalog - SFP | SOCOM)
Nagdaos ng Banal na Misa ngayong araw, Setyembre 8, bilang paggunita sa Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria, dito sa ating parokya.
Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni Reb. Pd. Clifford Manalo, na kaisa ng sambayanan sa pananalangin at pasasalamat sa Diyos para sa dakilang biyaya ng pagsilang ng Mahal na Birheng Maria.
Isang makabuluhan at mapagpalang pagdiriwang ng pag-ibig at pananampalataya ang naganap ngayong araw, ika-dalawampu't siyam ng Agosto, taon 2026, sa ating Kasalang Pamparokya 2026.
Sa harap ng Diyos at ng sambayanang Kristiyano, pinagtibay ng mga mag-asawa ang kanilang pagsasama sa pamamagitan ng Banal na Sakramento ng Kasal. Sa kanilang muling pagharap sa altar, ipinahayag nila ang kanilang pagtatalaga sa isa’t isa at ang hangaring patuloy na bumuo ng pamilyang nakasaad sa Diyos.
Nawa’y manatiling sentro ng kanilang pagsasama ang Panginoon at pagkalooban Niya sila ng biyaya, katatagan, pagkakaunawaan, at wagas na pagmamahalan sa bawat yugto ng kanilang buhay mag-asawa.
Binabati natin ang lahat ng mag-asawang nakibahagi sa makabuluhang pagdiriwang na ito. Nawa’y patuloy kayong gabayan at pagpalain ng Diyos sa inyong paglalakbay bilang mag-asawa at bilang isang pamilya.
✍️: Angel Mae Durato - SFP-SOCOM
📸: Arcaius Dela Cruz / Princess Pulumbarit - SFP-SOCOM
Ang Paggunita sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria ay ipinagdiwang ngayong Agosto 22, 2026 sa ating parokya. Sa espesyal na araw na ito, sama-sama nating pinarangalan ang Mahal na Birheng Maria bilang Reyna at Ina ng ating pananampalataya.
Sa pamamagitan ng panalangin at pagdiriwang, ipinakita natin ang ating pagmamahal at debosyon kay Maria. Nawa’y patuloy niya tayong gabayan sa ating araw-araw na buhay at tulungan tayong manatiling malapit kay Hesus.
✍️: Angel Mae Durato - SFP-SOCOM
📸: Earl Tagalog - SFP-SOCOM
Ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria ay ipinagdiwang nitong nakaraang ika-labing lima ng Agosto, taong 2026. Ito ang pagdadala sa Birheng Maria nang buo ang kanyang katawan sa langit sa pagtatapos ng kaniyang buhay sa lupa. Dahil sa pakikibahagi ni Maria sa Pagkakatawang-tao ni Kristo, siya ay pinarangalan bilang natatanging kasapi ng Simbahan. Kung paanong dinala ni Solomon ang Kaban ng Tipan sa Templo, si Maria naman bilang Kaban ng Bagong Tipan—ay dinala sa langit upang manahan kung nasaan si Kristo.
Ito ay isang mabuting simbolo ng hindi lang "espiritu" kundi pati rin ang "katawan'' na kasama sa biblikal na obserbasyon na sinasabing "God found it very good" (Gn. 1:31), upang ang ating Mahal na Birheng Maria, "ang ating laman" ay dadalhin sa langit. Sinasabi ditong hindi tayo pinipigilang mamili ng daang tatahakin sa buhay, mag desisyon at gumawa ng maayos at payapang buhay, kundi sa halip, habang nakatuon ang ating paningin sa layunin, sa kalangitan, at sa bayan.